Ang sabong ay isang paglalaban ng dalawang tandang. Ito ay naisalin sa kultura ng mga Pilipino bilang isang pamamaraan ng sugal, at sa ilan ay naging libangan,mahigit 200 daang taon na ang nakalilipas.
Naging palaisipan sa akin ngayon kung ano ang nangyayari sa loob ng isang sabungan. Malimit kasing magpaalam ang aking ama tuwing Linggo na may "pasok" siya at hinihintay na siya ng kanyang "classmates". Noong sumama ako sa kanya, ito ang mga natunghayan ko:
URULUTAN. ito ang unang dapat gawin, ang hanapan ng makakalaban ang manok na isasabong.
PAGTATARI. proseso ng pagkakabit ng maliit na kutsilyo sa may paa ng manok. Sinasabing may seminar pa ukol dito na tumatagal ng 30 minuto.
Pagkatapos, maghihintay sa pila ang mga magsasabong ng kanilang manok.
Kapag nasa cockpit na ang dalawang manok na isasabong...
magsisimula na ang ingay...
at pustahan...
mananahimik na lang muli kapag magsisimula na ang laban.
maghihintay kung mananalo ang kanilang pusta...
ang natalong manok ay ilalabas...
at dadalhin sa "clinic" kung kaya pa itong gamutin.
Samantala, sa loob ay iaabot na ng mga natalo ang kanilang pusta.
ang nanalo ay magkakaroon, ang natalo ay mawawalan.
Lilinisang muli ang cockpit para sa sunod na laban.
May mga pagkakataong nagtatapon ng barya ang mga nanunuod upang swertehin sa sunod na laban.
Panibagong laban na naman...
mag-iingay at magpupustahan...
mananahimik muli...
manunuod...
masasabik...
madadala ng emosyon...may mananalo, matatalo...
may mapapakamot ng ulo...
may kukutyain...
at magbabayad na naman ng ipinusta.
Ang bitbit na manok sa kahon...
ay iiwan...
at ang mga nagsabong ay uuwi ng masaya o malungkot. At babalik muli sa susunod.
Siklo ng pagkapanalo at pagkatalo kung saan sa huli ay isa lang naman ang parating tinatanong: Ano ang napala mo—MERON o WALA?


































No comments:
Post a Comment